19

Sep 15, 2021 @ 17:46
By

Driver, operator sa libreng sakay mababayaran na

Mababayaran na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga driver at operator na sumali sa Service Contracting Program (SCP), na nagbibigay ng libreng sakay sa publiko.

Sa deliberasyon ng House Committee on Appropriations, sinabi ni LTFRB chairman Martin Delgra na inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalabas ng P3.3 bilyon upang mabayaran ang mga kasali sa SCP.

Ngayong araw, Setyembre 15 umano nagsimula ang pagbabayad.

“We hope to finish fully paying payables in the next two to three days,” sabi ni Delgra.

Hindi kaagad nabayaran ang mga sumali sa SCP matapos na mag-expire ang Bayanihan 2 noong Hunyo 30, 2021. Ibinalik ang pondo sa National Treasury kaya kinailangan na mag-request ang LTFRB ng pondo.

Sa ilalim ng SCP, babayaran ng gobyerno ang operator at driver ng mga public utility vehicle (PUV) na magbibigay ng libreng sakay sa mga piling lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?