97
soco8
Apr 19, 2018 @ 17:53
By

Driver ng jeep kinatay sa loob ng bahay

Selos at paghihiganti ang tinitingnang motibo sa panloloob sa bahay at pananaksak sa isang jeepney driver ng isang lalaki sa harap ng kaibigan nitong babae sa lungsod ng Caloocan kaninang madaling-araw.

Sa ulat ng Caloocan Police, alas-kuwatro ng madaling-araw nangyari ang insidente sa loob ng bahay ni Marvin Espinosa, 29-anyos, jeepney driver at residente ng Bisig ng Nayon, Barangay 4 ng nasabing lungsod.

Kasama ng biktima ang kaibigang si Mary Joy Ramos sa loob ng bahay nang dumating ang suspek na si Philip Tumalad, 50, ng Pili Street, Sangandaan, Barangay 8 at sapilitang pinasok ang bahay ng biktima.

Armado ng patalim ay bigla na lamang nitong sinugod si Espinosa at pinagsasaksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Matapos ay mabilis na umeskapo ang suspek habang isinugod ang biktima sa Caloocan City Medical Center ngunit namatay din habang nilalapatan ng lunas.

Ayon sa mga kaanak ng biktima, posibleng selos at paghihiganti ang dahilan ng pagpatay sa biktima na hindi na idinetalye pa ng mga ito kung bakit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?