167
crime-scene-dead
Mar 28, 2019 @ 18:51
By

Driver nawalan ng kontrol, dedbol

Patay ang isang driver, habang malubha namang nasugatan ang kaniyang pasahero nang mawalan ng kontrol sa manibela ng minamanehong pampasaherong jeep sa Quezon City, Huwebes ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Insp. Rodentor Fajardo, Traffic Sector 1 ng Quezon City Police District, ang namatay na driver na si Celso Lamboy, 40, ng La Forteza Subdivision, Brgy. 175 Camarin, Caloocan City.

Malubha namang nasugatan ang pasaherong nakilalang si Raynan Sarmiento, 43, residente rin ng Brgy. Camarin.

Siya ay agad na nilapatan ng lunas sa Quezon City General Hospital sanhi ng tinamong mga sugat, pasa at pilay sa katawan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Roy Torre, nangyari ang insidente dakong alas-dos ng madaling-araw ng Marso 28 sa kahabaan ng Quezon Ave., West bound malapit sa Examiner St., Brgy. West Triangle, QC.

Minamaneho ng biktima ang Isuzu Jitney (TVP-251) subalit nang mag-overtake sa nasabing lugar ay nawalan ng kontrol ang manibela nito at pakaliwang natumba ang sasakyan at naipit ang nasabing driver.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?