87

Driver natagpuang patay sa loob ng jeep sa Quezon

Nakitang may saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at wala nang buhay ang isang tsuper ng jeep sa loob ng minamaneho niyang sasakyan sa San Antonio, Quezon.

Ayon sa report, nakipag-inuman dakong alas-2:45 ng madaling-araw si Eldifonso Talon at nang malasing ay natulog ito sa loob ng kanyang jeep na nasa Barangay Briones pero natagpuan itong patay na ng kanyang kasama dakong alas-6:35 ng umaga.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad para mapanagot ang kriminal at malaman ang motibo nito sa pamamaslang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?