tsuper
By

Driver naglaro ng ari sa harap ng babae, bugbog sarado sa taumbayan

Sharing is caring!

Muntik nang literal na tuluyang maka-akyat sa langit ang isang driver matapos na bumangga sa dalawang sasakyan ang kanyang minamanehong jeep habang tumatakas matapos na laruin ang kanyang ari sa harap ng bebot sa Commonwealth Ave., Quezon City, nitong Linggo ng gabi.

Halos hindi na maidilat ang mga mata ng suspek na kinilalang si Renante Beringuela, nasa hustong gulang, isang jeepney driver at residente ng IBP Road, Batasan Hills, dahil sa bugbog na kanyang tinamo mula sa galit na galit na taumbayan.

Sa imbestigasyon ni PO3 Eligio Angeles, ng QCPD Station 6, dakong alas-siyete ng gabi habang kumakain ng hamburger sa isang tindahan ang 22-anyos na bebot na itinago sa pangalang Mina, huminto sa tapat niya ang isang jeep na may biyaheng Panay-Lagro.

Bumaba ang driver na si Beringuela at saka inilabas ang ari at pinaglaruan pa sa harap ng natakot na biktima.

Agad nakapagsumbong ang biktima sa mga nagrorondang tanod kaya hinabol ang suspek na tumagal ng 30-minuto.

Nagpaikut-ikot pa sa IBP Road, Payatas at Commonwealth ang jeep na minamaneho ng suspek.

Tumigil lamang ito nang mabangga sa concrete barrier sa Commonwealth Avenue at na-sandwich pa ng isang van at bus at dito na pinagtulungang bugbugin ng taumbayan.

Palusot ng suspek, nangati lamang umano ang ari nito kaya niya kinamot at itinanggi na pinaglaruan ang kanyang ‘patotoy’.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property at acts of lasciviousness ang driver na manyak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?