48

Sep 21, 2019 @ 14:58
By

Driver na nakapatay sa mag-lolang Pinoy, hinatulan ng ‘habambuhay’

Mabubulok sa kulungan ang isang driver matapos siyang hatulan ng 19 taon na imprisonment kaugnay sa pagbundol at pagkamatay ng mag-lolang Filipino sa Las Vegas, Nevada noong 2016.

Ayon sa ulat, nag-beating the red lights si Cheyenne Wyllie ng Springville, California, kaya nasalpok nito ang minivan na sinasakyan ng mag-lolang sina Angelita Espinosa, 69-anyos, at Jamie, 10, sa Tulare County.

Nagtamo rin ng malubhang pinsala ang ama ni Jamie na si George Espinosa dahil sa insidente.

Pauwi na ang pamilya Espinosa sa kanilang bahay mula sa pamamasyal sa National Park nang mabundol ni Wyllie.

Nadiskubre na nakainom ng alak si Wyllie nang makaaksidente dahil sa nakitang .21-percent alcohol content sa kanyang dugo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?