34

Driver na inakusahang nanagasa ng pulis sa rally, pinalaya

Sharing is caring!

Ipinag-utos ng piskalya ng Maynila ang pagpapalaya sa driver ng grupong Bayan na inaresto dahil sa reklamo ng ilang pulis na sinagasaan umano nito sa kasagsagan ng kilos-protesta noong Linggo.

Ayon kay Chief Inspector Joey de Ocampo, hepe ng Manila Police General Assignment Section, inutos ng Manila City Prosecutor’s Office ang pagpapalaya sa 47-anyos na si Neil Legaspi para masalang sa mas malalim na imbestigasyon.

“Nagpapalabas ng resolusyon ang prosecutor kahapon ng tanghali, release for further investigation si Legaspi,” ani De Ocampo sa panayam sa kanya.

Magsasagawa aniya ng preliminary investigation ang piskalya hinggil sa mga kasong breach of peace, assault upon a person in authority, resisting arrest at disobedience na kinakaharap ni Legaspi.

Sinabi rin ni De Ocampo na bukod kay Legaspi, sina dating Bayan Muna Rep. Teddy Casiño at Bayan Secretary General Renato Reyes ay haharap din sa preliminary investigation ng piskalya.

Sinabi ni De Ocampo na kailangang humarap sa nabanggit na pagdinig ang dalawang personalidad kapag naitakda na ng prosecutor ang petsa ng preliminary investigation.

Samantala, sa panig ni Casiño, hindi pa umano nila natatanggap ang opisyal na kopya ng reklamo ng MPD-GAIS patungkol sa inihaing complaint ng Northern Police District (NPD) at ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police.

Matatandaang inihain ni SPO3 James Poso ng MPD-GAIS sa Manila City Prosecutor’s Office ang complaint ng NPD at CIDG matapos na magkagirian sa naganap na kilos-protesta ng mga militante noong Nobyembre 12 ng hapon ang ilang miyembro ng anti-riot police na nakapakalat sa TM Kalaw at United Nations Avenue, Ermita, Maynila.

Samantala, binuksan na

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?