29
drugs
By

Driver na drug pusher nalambat sa Pasig

Kulungan ang bagsak ng isang tsuper matapos hainan ng warrant of arrest sa kasong pagtutulak ng iligal na droga, Martes ng hapon sa Barangay Palatiw, Pasig City.

Nakilala ang suspek na si Gaudencio Moncada, 51, residente ng Villa Raymundo, N. Cruz St., Barangay Palatiw.

Ayon kay PLt. Col. Hendrix Mangaldan ng District Drug Enforcement Unit, ikinasa ang paghahain ng search warrant alas-kuwatro ng hapon sa bahay ng suspek sa Barangay Palatiw.

Nabatid na kabilang si Moncada sa listahan ng barangay drug watch list na matagal nang sinusubaybayan ng pulisya dahil sa talamak na pagbebenta ng shabu habang namamasada.

Nakuha sa loob ng bahay ng suspek ang pitong sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P30,000 at ilang drug paraphernalia.

Kasalukuyang nakakulong si Moncada sa Pasig detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?