122
ABANTE jeepney jeep philippines puv buloc i-act
By

Driver hinangaan sa libreng sakay sa mga senior, PWD

Isang jeepney driver sa bayan ng Arayat, Pampanga ang nag-viral sa social media dahil sa mabuting gawa na hindi paniningil ng pamasahe sa mga senior citizen at persons with disabilities (PWDs) nitong pasahero.

Ayon kay Rolando Andaya, ilang dekada na niyang pinagkakakitaan ang pagbiyahe mula sa San Fernando hanggang Arayat at vice vera.

Noong kabataan niya ay nagtrabaho siya bilang personal driver pero nang magretiro na ang kaniyang employer noong 2005 ay bumili siya ng sariling jeep.

Ikinagulat daw niya nang mag-viral ang good deed niya sa Facebook.

Mayroon na itong mahigit 13,000 views at mahigit 100 shares.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?