31

Dec 21, 2017 @ 9:59
By

Drilon: Tax incentives ng malalaking negosyo, repasuhin

Iginiit ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa Malakanyang na gawing prayoridad ang pagrepaso sa mga tax incentive na matagal nang tinatamasa ng malalaking negosyo.

Kailangan na umano iyong bawasan para madagdagan ang kita ng gobyerno at maging patas din ang gobyerno sa pagbubuwis.

Sa ngayon, 186 ang mga batas na nagbibigay sa malalaking negosyo ng fiscal at non-fiscal incentives at mga subsidiya.

Kabilang dito ang income tax holiday, income tax deduction, mga exemption, credit at exclusion mula sa tax base.

Para mabawasan ito, inihain ni Drilon ang panukalang Tax Incentives Management and Transparency Act (TIMTA) upang makakulekta umano ang gobyerno ng karagdagang P30 bilyon.

Diin ni Drilon, kung tataasan ang buwis ng masa sa pamamagitan ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN), dapat lang na higit na buwisan ang may mas malalaking kita.

Hiningi niya ang tulong ni Pangulong Duterte na nagagawa ang gustong gawin gaya ng pagsingil sa utang sa gobyerno ng Philippine Airlines (PAL) at Mighty Corp.

“I call on the President to exercise strong political will. He made a company pay the unpaid airport fees of P6 billion. He was able to collect from a cigarette company P26 billion. We applauded such political will. We would like such political will being applied in order to make the taxes more equitable,” sabi ni Drilon. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?