7

Oct 30, 2020 @ 18:28
By

Drilon: Tapyas pondo sa mga ahensya hindi sagot sa korapsyon

Hindi tamang remedyo ang pagbabawas ng pondo sa mga ‘graft-ridden’ na ahensiya para para lamang malinis ang katiwalian sa gobyerno, ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon.

Sabi nito, kahit bawasan pa ang pondo ng mga ahensiya maari pa ring kurakutin ito lalo na kung ipapahawak ito sa mga tiwaling opisyal.

“Why will you punish PhilHealth or SAP (social amelioration program) beneficiaries, especially during this pandemic, for the acts of its officials?” pahayag ni Drilon sa kanyang mensahe sa mga reporter.

Ginawa ni Drilon ang reaksiyon matapos ihayag ni ni House appropriations committee chair Eric Yap na kanyang isusulong sa bicameral conference committee na bawasan ang pondo ng mga ahensiya ng gobyerno na sangkot sa katiwalian.

“Good media copy. But not the appropriate remedy,” giit ni Drilon.

“Will Congressman Yap reduce the budget of PhilHealth because of corruption in that agency? Will congressman Yap reduce the budget of DSWD [Department of Social Welfare and Development] because of reports of corruption among barangay chairmen in the distribution of the SAP?” dagdag nito.

Ayon kay Drilon, ang kailangan lang ay palakasin ang mga batas laban sa katiwalian.

“Effective prosecution of corrupt officials, and strengthening the anti-graft laws, and not the reduction of the budget, are the proper and more effective remedy,” ani Drilon. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?