138

Oct 8, 2017 @ 14:20

Drilon sa PSA: Ilan ba talaga ang adik, 1.8M o 4.7M?

Binatikos ni Senate Minority Leader Franklin M. Drilon ang Philippine Statistics Authority dahil sa pagkabigo nitong maglabas na tamang datos tungkol sa kampanya ng gobyerno laban sa illegal drugs.

Ginawa ng senador ang pahayag kasunod na kalituhan sa magulong istatistika patungkol sa anti-drug campaign na pamalaan na nag-resulta sa pagsibak sa isang mataas na opisyal ng Dangerous Drugs Board (DDB) noong Mayo.

“The law provides that the data produced by the PSA shall be the official and controlling statistics of the government,” sabi ni Drilon.

Sa ilalim ng Republic Act No. 10625 o Philippine Statistical Act of 2013, ang PSA ang siyang pangunahing responsable sa national censuses at survey, sectoral statistics at pag-record ng sistema at compilation ng mga national accounts.

Noong Mayo, sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte si DDB chairman Benjamin Reyes matapos nitong ihayag na 1.8 mily drug dependents sa bansa, mas mababa sa 4.7 milyon na binanggit ngpangulo at ng Philippine Drug Enforcement Agency.

“If we are saying that we just rely on the police whose motive insofar as the data is concerned is suspect, then we really have a problem,” ani Drilon.

“What is PSA for if it will not have its own independent data? I cannot believe what I’m hearing. We have no independent data upon which our policies will be based,” dagdag nito.

Ayon pa kay Drilon, ang pagkakaroon ng maasahan at tamang datos ay krusyal sa pagbuo ng tamang polisiya ng pamahalaan.

“Reliable data should be the basis of policy. Kung mali-mali ang data, mali-mali ang polisiya na ating gagawin. We should shift to data-driven policy-making, especially in this war against drugs, instead of generating suspect data for the sole purpose of backing up policies already made,” ani Drilon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?