39

By

Drilon sa Palasyo: Bakit wala kayong posisyon sa Cha-Cha?

Sharing is caring!

Nanawagan si Senate minority leader Franklin Drilon sa Malacanang na liwanagin kung ano ang posisyon nito sa panukalang pag-amiyenda sa Konstitusyon.

Ayon kay Drilon, nasa kapangyarihan ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang pag-amiyenda sa Konstitusyon pero mahalaga rin ang posisyon dito ng Malakanyang lalo na’t kapanalig nito ang mayorya ng mga senador at konggresista.

“Kailangan naman siguro na tanungin natin ang Malakanyang sa position nila. Although uulitin ko lang na ang pagbabago ng saligang batas ay tungkulin ng lehislatura subalit ang views ng Malakanyang ay importante rin po,” pahayag ni Drilon.

Ipinaalala naman ni Drilon sa Palasyo na nangako ito na bubuo ng isang study group na mag-aaral sa mga kailangang baguhin sa Konstitusyon.

Sa pagdinig ng Senate committee on constitutional amendments and revision of codes and laws nung nakaraang taon, inihayag ni Executive Secretary Salvador Medialdea na nilagdaan niya ang Executive Order No. 10 kung saan nililikha ang Consultative Committee na mag-aaral, magsasagawa ng konsultasyon at magrerekumenda ng babaguhin sa Konstitusyon.

Nakatadhana na magtatalaga rito ng Chairman at 24 na kasapi subalit hindi pa nabubuo hanggang sa ngaon ang nasabing consultative committee. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?