387

Aug 22, 2019 @ 14:12
By

Drilon sa paglaya ni Sanchez: Sangkot siya sa drug trade, paano naging good behavior ‘yun?

Maghahain umano ng resolusyon si Senate Minority Leader Franklin Drilon para maimbestigahan ang nakatakdang pagpapalaya sa convicted rapist-murderer na si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Ani Drilon, kuwestiyonable umano ang “applicability” ng dating alkalde sa RA 10592.

Ipinunto ni Drilon ang umano’y pagkakasangkot ni Sanchez sa possession of illegal drugs.

“Ang balita ay involved siya sa drug trade sa Muntinlupa. Paano naman nakaroon siya ng allowance for conduct of good behavior? Ang balita pa natin ay mayroon siyang aircon sa kaniyang kulungan. Paano naman naging good conduct ito?” sabi ni Drilon sa isang interview sa radyo.

Pinagtataka tuloy ni Drilon kung paanong na-compute ng Bureau of Pardon and Parole ang sinasabing good conduct time allowance ni Sanchez, na ginawang batayan ng pagpapalaya rito.

“Paano natin mako-consider na good behavior ‘yun? Is Mayor Sanchez really qualified under RA 10592? This is a question of fact, so it is best for the Department of Justice to put on hold its decision until these issues are resolved,” ani Drilon.

“I became close with the Sarmenta family in our efforts to put behind bars Mayor Sanchez and his men. I felt sorry for the Sarmenta and Gomez families. This has reopened old wounds,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?