10

Jan 12, 2021 @ 13:40
By

Drilon sa Covid-19 vaccination program: Suntok sa buwan

Drilon sa Covid-19 vaccination program: Suntok sa buwan

Inilarawan ni Senate Minority Leader Franklin M. Drilon ang COVID-19 vaccination plan ng gobyerno bilang “suntok sa buwan” dahil sa ilang balakid sa target nilang makuha ang 148 milyon doses na vaccine para mabakunahan ang 70 milyon Pinoy sa katapusan ng 2021.

“Parang suntok sa buwan ang vaccination program lalo na yung sinasabi nila na 148 million doses within the year. The arrival of the vaccines is not even definite,” pahayag ni Drilon sa isang statement.

“How can they say that they will be able to purchase 148 million doses by the end of 2021 when up to now, we haven’t given any Emergency Use Authorization to any vaccine and we have not been able to raise, through loans, all the needed amount for the purchase of the vaccines?” dagdag nito.

Nauna nang sinabi ng Food and Drug Administration na nakahanda na silang mag-isyu ng emergency use authorization (EUA) ngayong linggong ito.

“I am not reassured in the slightest by what I heard. To be honest, I am more confused now. The government’s Covid-19 vaccination plan fails to provide the public the assurance they need from the government,” sabi ni Drilon.

“The plan is good on paper. The plan is filled with uncertainties and it leaves too much to chance,” dagdag pa nito.

Ayon kay Drilon, mahirap maabot ang target ng gobyerno na maka-secure ng 148 milyon doses sa taong ito lalo na’t sinabi ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez na 80 porsiyento ng globaly supply ay nabili na ng mga mayayamang bansa.

“If only the government was able to make advanced purchases last year, similar to other low-and-middle income countries such as Indonesia and Brazil, maybe we would have a better chance of securing these 148 million doses of vaccines this year,” sabi ng minority leader.

Kung nais aniya ng gobyerno maabot ang kanilang target na mabakunahan ang 70 milyong Filipino ngayong taong ito, dapat payagan ang mga local government unit at pribadong sektor na makipagnegosasyon direkta sa mga pharmaceutical companies par amakabili ng bakuna.

“They have a better chance of achieving their targets if they lift the restriction that they set that prevents local chief executives and the private sector from buying vaccines directly from the manufacturers,” lahad ni Drilon.

“It will facilitate a speedy purchase of the much-needed vaccines. I believe there is a consensus among the senators insofar as lifting this restriction is concerned,” dagdag nito

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?