6

Feb 8, 2021 @ 18:32
By

Drilon sa Comelec: Huwag magtipid sa voter registration

Hinikayat ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang Commission on Elections (Comelec) na palawakin ang kanilang satellite voter registration program at bumili ng maraming biometric scanner para mapabilis ang pagpaparehistro ng mga botante sa bansa.

“The Congress has allocated sufficient funds to the Comelec under the 2020 and 2021 national budgets. Let us use it to buy more biometric gadgets, hire more consultants or job order employees and even rent out a bigger space or venue of voter registration,” sabi ni Drilon.

“Huwag na po nating tipirin ang budget. Kung kailangan dalhin sa bawat barangay ang voter registration, the Comelec must do it,” dagdag pa nito.

Ayon kay Drilon ang pagkakabit ng satellite voter registration sites ay solusyon na dapat palakasin ng Comelec para dumami ang mga botante para sa 2022 national at local elections.

Dahil sa COVID-19 health protocol, nilimitahan ng mga opisina ng Comelec ang kanilang tinanggap na mga magpaparehistro sa 50 hanggang 70 kada araw.

Sa datos ng Comelec, may tatlong milyong bagong botante ang inaasahang magpaparehistro at pitong milyon naman ang kailangan i-renew ang kanilang registration dahil hindi nakaboto nitong nakalipas na dalawang halalan.

“There is no way the Comelec can reach its target number of voters for next year’s election at that rate of 50 to 70 registrants per day. We are running out of time. Comelec should intensify its efforts to install more registration sites,” sabi ni Drilon.

Dagdag pa nito, ang kawalan ng sapat na biometric scanner ang dahilan ng mabagal na proseso ng pagpaparehistro sa bansa. May isang biometric scanner lang sa bawat tanggapan ng Comelec sa bansa.

“Even if people go to the Comelec office to register, the Comelec has no capacity to accommodate a large number of applicants per day for a number of reasons, which include insufficient manpower and inadequate number of biometric scanners,” ayon kay Drilon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?