By

Drilon sa AFP: Martial Law extension ipaliwanag

Sharing is caring!

Ang Kongreso lamang ang may kapangyarihang magpalawig ng Martial Law kaya’t mismong ang Armed Forces of the Phi­lippines ang dapat humiling nito sa Kongreso, ayon kay Senate minority leader Franklin Drilon.

“Sa Saligang Batas ay dapat hilingin nilang formally sa Kongreso. Ang Kongreso ang may kapangyarihan para i-extend,” pahayag ni Drilon­ sa panayam sa dzBB kahapon.

Sabi ng senador, kailangan din ipaliwanag ng AFP ang basehan ng kanilang kahilingan na palawigin ang Martial Law sa Mindanao na magtatapos sana sa katapusan ng Disyembre 2017.

“Let us decide on the evidence presented, dahil lang sa sabi nila, tapos na ang problema doon eh ngayon ie-extend na naman, so hingin natin kung ano ang kanilang basehan kung bakit natin pahabain na naman itong Martial Law,” dagdag pa nito.

Ginawa ni Drilon ang pahayag kasunod ng naunang sinabi ni AFP spokesman Major General Restituto Padilla na posibleng humiling pa sila na extension ng Martial Law sa Mindanao para matugunan ang banta ng natitira pang miyembro ng Abu Sayyaf, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, at iba pang armadong grupo na kaalyado ng Isla­mic State.

Sakaling palawigin ang Martial Law, ito na ang ikalawang pagkaka­taon na in-extend ang batas militar.

Unang pinairal ang 60-araw na Martial Law at bago matapos ito noong Hulyo, pinalawig ito hanggang katapusan ng Disyembre.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?