10

Dec 2, 2020 @ 13:14
By

Drilon: Pondo sa forensic lab ng PAO alisin!

Mas mabuting kumuha na lang ng dagdag ng abogado ang Public Attorney’s Office (PAO) sa halip na magpatayo ng forensic laboratory division, ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon.

Ginawa ni Drilon ang pahayag matapos iprotesta ng PAO ang isang probison sa 2021 budget bill na nagsaad na dapat nang itigil ang operasyon ng forensic laboratory ng nasabing tanggapan.

Sabi ng PAO, iligal ang naturang probisyon at makakaapekto sa kanilang serbisyo.

Paliwanag ni Drilon na umaming siya ang nagsulong ng naturang probisyon sa Senate version ng panukala, ‘duplication of the function’ lang sa Philippine National Police (PNP) at ng National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang law enforcement agency ang ginagawang forensic examination ng PAOI.

Tulad ng PAO, ang NBI ay attached agency ng Department of Justice.

“Instead of duplicating the functions of the NBI and the PNP, PAO should use the funds to hire more lawyers to assist indigents with legal problems,” sabi ni Drilon.

Sabi ng PAO, nakasaad sa isiningit ng probisyon na walang pondo na gagamitin para sa kompensasyon ng personnel, travel allowance at operating expenses ng PAO forensic laboratory division.

Nang tanunging kung posibleng hindi i-veto ni Pangulong Duterte ang nasabing probisyon sa oras na makalusot sa Kongreso, sinabi ni Drilon na: ‘”It is a verbatim reproduction of a similar provision in the present 2020 GAA (General Appropriations Act), which the President approved.”

Noong 2019, itinulak ni Drilon ang pag-aalis sa ponfo ng PAO forensic laboratory.

Kinuwestiyon iyon ni PAO chief Persida Rueda-Acosta na aniya’y pag-suppress lang sa pangangalap ng ebidensya sa kaso ng Dengvaxia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?