96

By

Drilon pinawi ang pangamba ng publiko sa national ID system

Mariing sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na protektado ang privacy at impormasyon ng mga indibiduwal sa national ID system.

Kasabay na rin ito ng pangamba ng ilan na malantad ang mga impormasyon tungkol sa kanila matapos ianunsiyo ng Malacañang sa nakatakdang pilot test implementation ng Philippine Identification System Act sa Setyembre hanggang Disyembre.

“The law has enough safeguards to protect the sanctity of the individual’s information and protect their right to privacy. It protects against unlawful disclosure of information and punishes those who will subvert the system for unlawful ends,” saad ng principal author ng Philippine Identification System Act na si Drilon.

Makikita aniya sa national ID ang mga impormasyon na nasa mga government ID gaya ng Common Reference Number (CRN), full name, address, date and place of birth, sex, civil status, signature, date of card issuance at recent photo.

Maaari aniyang gamitin ang ID sa mga government office at maging sa private institutions gaya ng mga bangko.

Pwede rin umanong magparehistro ang mga Filipinos overseas sa mga embahada o konsulado para makakuha ng CRN.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?