66

Oct 2, 2017 @ 19:51

Drilon kina Duterte, Sereno, Morales: Ceasefire na sa word war

Pinatitigil ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sina Pangulong Rodrigo Duterte, Ombudsman Conchita Carpio Morales at Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa kanilang bangayan.

Idiniin ng senador na walang patutunguhan ang sagutan ng magkabilang kampo.

“The rhetoric and the word war between the president, on the one hand, and the ombudsman and the chief justice, on the other, will only lead us to nowhere,” diin ni Drilon.

“We must keep in mind that the Constitution has enough safeguards to discipline and go after erring officials,” dagdag nito.

Sinabi ni Drilon na kung may ebidensya naman sila laban sa isa’t isa, dapat iyong idaan sa impeachment process dahil pare pareho silang impeachable officials.

Kapag impeachable officials, ang Kamara ang may poder na mag-imbestiga sa mga paratang habang ang Senado ang magiging tagapaglitis bilang impeachment court.

“If the President is in possession of any evidence against the alleged wrongdoing of Ombudsman Morales, he should initiate the filing of an impeachment complaint against her,” pahayag ng senador.

Sa Section 2, Article XI ng Konstitusyon, ang Pangulo, Pangalawang Pangulo, mga myembro ng Korte Suprema, mga myembro ng Constitutional Commissions at ang Ombudsman ay matatanggal lamang sa impeachment kapag lumabag sa Konstitusyon, kapag nagtaksil sa bayan, kung may katiwalian at iba pang malaking krimen.

Hindi rin umano maaring paiimbestigahan ng pangulo ang Ombudsman sa isang kumisyon na balak nitong itatag.

“The President cannot exercise authority and influence over an independent body such as the Ombudsman, more so over a co-equal branch of government such as the judiciary. That is how our structure of government is contemplated under the constitution,”pahayag ni Drilon. (Sherlock Homes)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?