9

Jul 15, 2020 @ 15:17
By

Drilon kayang idepensa ang Anti-Terror Law

Nagpahayag ng kahandaan si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa pagdepensa sa Anti-Terrorism Act of 2020 kahit na siya lang ang nag-iisang senador sa minorya na bumoto pabor sa naturang batas.

“I signed it on the basis of my best judgment that this strikes a balance between protecting our people against abuses by the state and protecting the state itself,” pahayag ni Drilon sa Kapihan sa Manila Bay online forum.

“I have done my best, I have no political agenda in this. It’s an application of my best knowledge, the best of my ability to craft legislation. I don’t think anyone can say that I was motivated by other consideration other than what I perceive to be for the good of the country,” saad nito.

“If I’m proven wrong then, I am an elected official, I can be punished in the next election. That’s the nature of our system,” ayon pa sa minority senator.

Sabi ni Drilon, nag-effort naman umano siya para balansehin ang pagbibigay ng proteksiyon sa karapatang pantao at mapigilan ng gobyerno ang anumang paghasik ng terorismo sa bansa.

“I can face anyone and say I tried to do my best in order to make a balance,” ayon kay Drilon.

Sa katunayan, ani Drilon, 14 na amiyenda ang kanyang iginiit sa panukala para lang mabalanse ang panukala at maprotektahan ang karapatan ng taumbayan sa posibleng pag-abuso ng estado.

“I have no ulterior motive, no political agenda insofar as this bill is concerned,” ani Dirlon.

Gayunpaman, iginiit nitong nasa pagpapasya na ng Korte Suprema kung constitutional ba o hindi ang nasabing kontrobersiyal na batas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?