17

Apr 23, 2021 @ 12:57
By

Drilon kay Parlade: Mag-resign ka na!

Pinagbibitiw ni Senate Minority Leader Franklin Drilon si Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., ang kontrobersyal na tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa gitna ng constitutional question hinggil sa kanyang appointment.

Ayon kay Drilon, malinaw aniyang nakasaad sa Konstitusyon na ang mga aktibo a military service ay pinagbabawalang tumanggap ng sibilyan na posisyon sa gobyerno.

“That violates the Constitution. He is illegally occupying his position as the task force’s spokesperson. It is one of thy disappointments. Hindi na pinapakinggan ang Senado,” pahayag ni Drilon.

“Given the fact that his holding of his position is constitutionally doubtful, why doesn’t he step down to save everybody from agony?” sambit pa nito.

Tinawag pa ni Drilon na ‘disrespectful’ ang ginawang pahayag ni Parlade matapos manawagan ang ilang senador para tanggalan ng pondo ang NTF-ELCAC sa gitna ng walang habas na pag-red-tag ng mga opisyal sa ilang sibilyan.

“I was objecting to this (NTF-ELCAC budget) from day one. It’s on record. I have been objecting to it. It’s really disrespectful to say the least if Parlade said that we are stupid for passing this,” sabi ni Drilon.

“In the Senate, I questioned this. I placed safeguards. It was accepted in the Senate. In the bicam, however, I am sure Malacanang lobbied that it came out the way it was written today,” saad pa nito.

Samantala, sinabi naman ni Senador Nancy Binay na ‘redundant’ na ang ilang proyekto ng NTF-ELCAC dahil ipinapatupad na ito ng ilang ahensiya ng gobyerno.

Halimbawa na aniya dito ang pagtatayo ng mga paaralan sa mga kanayunan na ngayon ay ginagawa na rin ng Department of Education sa kanilang “Last Mile School Program”.

Hindi rin aniya dapat pang gawin ng NTF-ELCAC ang farm-to-market road program dahil ginagawa na rin ito ng DepEd.

“The intention of that agency is good because the intent is to bring back the budget to communities that are truly disadvantaged,” pahayag ni Binay sa panayam sa ANC.

“There is really a need to give them more, pero siguro baka this is not the proper body that is supposed to implement these types of projects,” punto pa ni Binay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?