742
ABANTE TNT drilon kay koko senado ph
By

Drilon kay Koko: Ipaglaban mo naman ang Senado

Sharing is caring!

Hinihinala ni Senate minority leader Franklin Drilon na puntirya ngayon na ipabuwag ang Senado kaya ito sinisiraan ni House Speaker Pantaleon Alvarez at ng iba pang kapanalig ng administrasyon.

Isa umano ito sa malamang na nais nina Alvarez na mangyari sa pamamagitn ng itinutulak ngayong pag-amyenda sa Konstitusyon o charter change (ChaCha).

“I am very alarmed and concerned about this continued attack on the Senate. It appears to be part of deliberate and sustained efforts to weaken and embarrass the Senate as an institution,” pahayag ni Drilon sa dzBB.

“For me, these attacks are meant to demean the Senate in order to lay the groundwork for the abolition of the senate and pave the way for a unilateral congress,” dagdag nito.

Dahil dito, kinalampag ni Drilon si Senate President Koko Pimentel upang ipaglaban ang Senado.

Hinamon pa ni Drilon si Pimentel na idepensa ang Senado mula sa kapartido nito na si Alvarez na siyang walang tigil ang banat sa Mataas na Kapulungan.

Tinawag ni Alvarez ang Senado na “Mabagal na Kapulungan” at sinabihan si Pimentel na paaksyunan sa Senado ang mga panukalang batas na naaprubahan na ng Kamara.

Mariing sinabi na obligasyon ni Pimentel bilang lider ng Senado na ipagtanggol ang institusyon na matagal nang sandigan ng demokrasya.

“He (Pimentel) must rise above partisan political interest to defend the Senate regardless of his political affiliation. Otherwise, the Senate, unfortunately, becomes irrelevant as an institution of democracy in our system of governance,” diin nito.

Dagdag nito, sa 20 taon niya sa pagiging Senador, ngayon lang siya nakakita ng House Speaker na bumabanat sa Senado.

“It demeans the Senate as an institution. It could weaken the Senate as one of the pillars of the democracy, which provides the necessary check and balance to hold our officials accountable,” ani Drilon. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?