43

By

Drilon kay Cayetano: Konting lakas-loob naman sa China

Sharing is caring!

Hinamon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano na magpakita ng kahit kaunting tapang sa China kasunod ng harassment ng China CoastGuard sa mga Pilipinong mangingisda sa Scarborough Shoal.

Ayon kay Drilon, maliwanag ang ebidensiya ng panggigitgit sa mga mangingisda batay sa video na ipinalabas sa GMA 7.

Sapat umano ito para maghain ang DFA ng diplomatic protest.

“I think there’s enough evidence. Nasa media po ang nangyayari dun,” sabi ni Drilon.

“Kaya siguro konting lakas loob naman at aking hinihiling kay Secretary Cayetano na mag-file ng protest. We must protect our right over that area especially given the favorable ruling that we had,” hamon ni Drilon kay Cayetano.

Pinuna ng senador na hindi pursigido ang Malacanang at DFA na maigiit ang pagmamay-ari ng bansa sa West Philippine Sea.

Hindi rin niya mapaniwalaan naka-100 nang diplomatic protest o note verbale ang DFA kontra sa China.

“Hindi ko po alam that we have been assertive of our rights. Siguro ‘di ako nagbabasa ng diyaryo, nakikinig sa radio. But medyo nabigla din ako dun sa sinasabi nila na may 100 protesta tayong finile. Eh medyo mahirap pong paniwalaan,” pahayag pa ni Drilon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?