54

Dec 13, 2017 @ 13:53
By

Drilon: Isusunod na ba ang nationwide martial law?

Kinuwestiyon ni Senate minority leader Franklin Drilon ang pagsasangkalan ng Malacanang sa rebelyon ng New Peoples Army sa hirit na palawigin ng isang buong taon ang martial law sa buong Mindanao.

Idiniin ni Drilon na dekada na ang rebelyon ng NPA na nakakalat sa buong bansa kaya tanong niya kung balak na pairalin na rin ang martial law sa buong bansa.

“The NPA conflict has been there for the last four decades. Suddenly, the NPA is cited as an additional group for martial law extension in Mindanao…Is this now a prelude to declaring martial law nationwide?” tanong ni Drilon.

Una nang idineklara ni Duterte na teroristang grupo ang NPA.

Sa sulat sa Konggreso para sa hinihinging pagpapalawig ng martial law, isa sa idinahilan ang panggugulo at oambibiktima ng NPA sa mga sibilyan at mga pribadong tao at kumpanya.

Tugon dito ni Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra, “rhetorical question”ang ipinukol ni Drilon.

Binigyang-diin na ang pagdedeklara ng martial law ay depende lagi sa sitwasyon at tutugunan ng gobyerno alinsunod sa Konstitusyon.

Samantala, inulit ni Drilon ang pagbibigay diin na walang batayan ang pagpapalawig ng martial law dahil walang aktwal na rebelyon at wala ring aktwal na lananakop ang mga rebelde o mga terorista sa Mindanao. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?