22

Apr 25, 2021 @ 14:15
By

Drilon: Hindi na tayo pinapakinggan ng China

Ang maluwag na patakaran ng gobyernong Duterte sa China ang siyang dahilan kung bakit binabalewala lang ng dayuhang bansa ang inihaing diplomatic protest laban sa kanila at ang panawagan na lumayas sa teritoryong pag-aari ng Pilipinas sa West Philippine Sea, ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon.

“Ang problema natin, hindi na tayo pinapansin dahil pinabayaan natin iyan noon. Iyan ay resulta ng appeasement and accommodation policy natin sa China. Kaya patuloy na hindi tayo papansinin dahilan sa policy na iyan,” sabi ni Drilon sa panayam sa radyo.

“What we see now are the fruits of the policy of appeasement and accommodation towards China,” sambit pa nito kung saan inihalimbawa nito ang pananatili ng 160 Chinese vessel sa WPS.

Binanggit pa ni Drilon, na ang pagtaas ng COVID-19 cases sa bans ana aniya’y mapipigilan sana kung agad nagpatuipad ng travel ban ang gobyerno mula sa Wuhan, China kung saan nagmula ang irus, katulad na ginawa ng Vietnam at Taiwan.

Binigyang-diin ni Drilon na kailangan ng suporta ng bansa sa ASEAN, partikualr sa mga bansa na may claim din sa South China Sea para mapalakas ang posisyon ng Pilpinas sa WPS.

Sabi pa ni Drilon, hindi papabor sa Pilipinas ang “bilateral talks” sa China sa maritime dispute.

“Apart from the protests, which I support, we should, as an objective, get the other nations to confront China, including our allies – United States, Japan and Australia. We must unite against the unlawful Chinese incursion in the West Philippine Sea,” ani Dirlon.

Aniya, dapat ang president ang magsimula ng hakbang para makapagprisenta ng isang “united front” sa ibang claimant sa WPS, kanilang ang Brunei, Malaysia, Taiwan at Vietnam, para mabatid umano ng China na ang mali ang kanilang ginagawa at laban sa internal law.

Samantala, sinabi pa ni Drilon na ang “verbal fishing agreement” na ayon sa ilang sektor ay siyang posibleng dahilan kung bakit hindi umaalis ang mga Chinese vessel sa exclusive ecomic zone ng bansa ay ‘invalid”.

“To me, any verbal agreement is invalid. Any agreement between two nations, whether in the form of an executive agreement or a treaty must be in written form, otherwise it cannot be enforced,” sabi ni Drilon.

“If indeed a verbal fishing agreement exists, the Filipino people and the Senate must be informed of the exact parameters of the agreement,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?