32

Apr 24, 2021 @ 21:11
By

Drilon bakunado na kontra COVID

Inamin ni Senate Minority Leader Franklin Drilon nitong Sabado na naturukan na siya ng unang dose ng AstraZeneca vaccine.

Ani Drilon, wala siyang naranasang anumang side effect matapos bakunahan kaya hinimok ang lahat na pabakuna.

“Dapat magpabakuna po sila kung anuman ang available. Ang risk na may side effect far outweighs the risk na baka madisgrasya tayo dahil sa pandemya,” anang 75-anyos na mambabatas sa panayam sa DWIZ.

Tulad ng ordinaryong mamamayan ay nagparehistro at pumila raw siya para pabakuna sa San Juan City noong Abril 10.

Pinuri niya si San Juan City Mayor Francis Zamora sa maayos na proseso ng pagbabakuna sa siyudad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?