102

Jan 10, 2019 @ 18:11
By

Dribolan na sa Chooks 3×3

Kumpleto na ang mga tropang sasabak sa kauna-unahang Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 league.

Ang Zamboanga Valientes ang huling koponang kumumpleto sa President’s Cup na sisipa sa Marso 16 sa event center ng SM Megamall.

“It’s an honor and pride for our city to join this league, especially our fans from Zamboanga. They are really looking forward to watch our homegrown players play in a big league,” sabi ni team owner Junnie Navarro.

Makakasama ng Zamboanga ang Manila Stars, Go-for-Gold-San Juan Knights, Bataan Risers, Quezon City – Zark’s Jawbreakers, Bacoor Strikers, Valezuela Classic, Marikina Shoemasters, Bulacan Kuyas, Vigan Baluarte at ang Cebu-Max 4 Birada.

“The reason that we are interested because we are passionate about basketball. Rhayyan Amsali showed that Zamboangenos can excel in this discipline,” dagdag nito.

“Dito naman tayo nagsimula sa three-on-three. The reason that we are interested because we are passionate about basketball. Rhayyan Amsali showed that Zamboangenos can excel in this discipline.”

Si Amsali, na dating naglaro sa National University Bullpups, ay naglaro para sa Pilpinas sa FIBA Asia 3×3 Under-18 tournament noong 2017.

Maglalaro para sa Zamboanga ang mga homegrown talents nito na sina Das Esa, Jonathan Parrena at Grevani Rublico makakasama rin nila sina 6-foot-8 Rino Berrame at 6-foot-3 Ferdinand Lusdoc.

Para kay Navarro, ang pinaka main goal niya sa first conference ay mabigyan ng exposure ang kanyang mga manlalaro.

“Yung players namin now sell out crowds in Zamboanga. Hopefully, we could expose them more in this league,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?