197
drew-arellano
Jun 5, 2018 @ 16:06

Drew Arellano, ayaw mag-pelikula

Sa ngayon ay wala umanong plano si “Biyahe ni Drew” host Drew Arellano na gumawa ng movie.

Nang tanungin si Arellano sa press conference ng “Home Foodie” kung saan sila hosts ng misis niyang si Iya, kung gusto niyang maging bida sa isang pelikula gaya ni Kapuso journalist Atom Araullo, nagbiro ito at sinabing, “Alam mo gusto ko nga eh para magkaroon ako ng comments sa mga director.”

Sinundan pa niya ito ng isa pang joke na gusto niyang magkaroon ng kissing scene.

“‘Di pero ang pinakagusto ko talaga, dahil ako palaging host, host, host, gusto ko naman magkaroon ng kissing scene… sa kanya,” sabi ni Drew sabay turo kay Iya.

Pero naging seryoso na ito at sinagot nang direkta ang tanong tungkol sa pag-arte nito sa pelikula.

“Kidding aside, no I don’t think they’ll like me. Even though they would want me to be part of a film, it’s probably not gonna happen. I’m not sure if I can act,” paliwanag ni Drew. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?