37

By

‘Dream match’ ni Khan kay Pacquiao, naglaho na naman!

Sharing is caring!

Mukhang hindi matutuloy ang pangarap ni British Boxer Amir Khan na makabakbakan si eight-division world champion Manny Pacquiao.

Sa panayam kay matchroom promoter Eddie Hearn sa ESPN noong Martes, sinabi ni Hearn na si British boxer Kell Brook ang maaring makaharap ni Khan sa susunod na taon.

“It’s been in the mix for a while. With (Manny) Pacquiao not committed to a fight with Khan, (Brook-Khan) could be in February or March. We know it’s a huge fight. We’re looking for that,” wika ni Hearn.

Ilang beses ng nililigawan ni Khan si Pacquiao para makaharap ito sa lona pero mas interesado ngayon si Pacman sa maaring rematch nito kontra Floyd Mayweather.

Dating International Boxing Federation (IBF) welterweight titlist si Brook at ngayon bitbit na nito ang junior welterweight belt, habang si Khan naman ang dating unified junior welterweight at ngayon ay lumalaban sa welterweight division.

Kung si Khan aniya ang tatanungin, naniniwala siya na mas magiging malaki ang laban na kanyang haharapin kung si Manny Pacquiao ang makakalaban.

Ito na ang ikaapat na beses na hindi natuloy ang inaasam na laban ni Khan kontra kay Pacquiao.

Huling lumaban si Pacquiao noong Hulyo at dito nasikwat niya ang regular WBA welterweight belt kay Argentine boxer Lucas Matthysse.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?