259

Feb 9, 2021 @ 19:34
By

‘Dream Gilas 5’ binunyag ni Kai Sotto

Marami ngayon ang nag-aabang sa pagsalang ni Kai Sotto sa 2021 Fiba Asia Cup qualifiers.

Sa panayam kay Sotto ni Gretchen Ho, nilahad niya ang kanyang pangarap na starting five para sa Gilas.

Tugon ni Kai, sina AJ Edu, Dave Ildefonso, Thirdy Ravena at Kobe Paras ang mga gusto niyang makasama sa kanyang ‘Dream Gilas 5’.

Naging kakampi na ni Sotto sina AJ Edu at Dave Ildefonso sa Batang Gilas, kung saan nakapasok ang koponan sa FIBA U19 World Cup.

Sina Ravena at Paras naman ay kapwa top caliber amateur player na parehong nakapaglaro na sa ibang bansa.

Nasa bansa ngayon si Sotto para sa Fiba Asia Cup qualifiers, kung saan haharapin nila ang Korea at Indonesia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?