117

Mar 9, 2018 @ 19:32
By

Draymond, LeBron walang paki sa seedings

Gitgitan ang teams sa playoffs ng parehong Eastern at Western Conferences sa NBA, nasa homestretch na ang regular season ay hindi pa rin nagkakaroon ng malinaw na seeding.

Pero sina LeBron James ng Cleveland at Draymond Green ng Golden State, walang pakialam kahit saang puwesto sila mapadpad sa Nos. 1-8. Mahalaga, makasama sila sa playoffs.

May home court advantage ang No. 1 Toronto sa East, lahat ng playoff series sa kanilang conference ay magsisimula sa teritoryo ng Raptors.

Sa West, mukhang pumuposisyon ang Houston para makuha ang home court sakaling umabot sa Game 7 ang conference finals nila ng Warriors.

Sa dami ng dinaanang giyera kabilang ang pitong sunod na sampa sa Finals, hindi natitinag si LeBron kahit kailangan niyang dumayo ng Toronto o Boston para manalo.

“It doesn’t matter to me if I’m 6th seed, 3rd seed, 2nd seed, 8th seed,” sagot ni LeBron nang matanong nitong Huwebes tungkol sa seeding lalo’t nasa kalagitnaan ng East ang kanyang Cavaliers. “If I come into your building for a Game 1, it will be very challenging.”

Si Green, taas-kilay din nang matanong tungkol sa 17-game win streak ng Rockets. Hinahabol ng Golden State ang Houston para sa top seed.

“I guess you always want the No. 1 seed. It is what it is,” pakli ni Green, hindi mahalaga kahit saang puwesto sila mapadpad. “You know we’re not gonna spend the rest of the year trying to fight for the No. 1 seed. If that happens, it happens.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?