25

May 11, 2021 @ 15:42
By

Drayber ng truck inatake, umararo ng 9 katao

Nabalot ng lungkot ang sana’y masayang araw ng mga naghihintay ng ayuda sa city hall ng San Jose del Monte, Bulacan matapos silang araruhin ng isang dump truck nitong Martes ng umaga.

Siyam ang naiulat na nasugatan, dalawa sa mga ito ay nasa malubhang kalagayan habang ang lima ay sinugod din sa ospital.

Dakong alas-7:40 a.m. ng umaga umano naganap ang insidente kung saan nakapila lamang sa labas ng city hall ang mga biktima nang bigla silang inararo ng truck.

May isa nang naiulat na nasawi sa insidente – ngunit hindi mula sa mga nasagasaan. Ito ay ang tsuper ng truck na si Herminio Verona, na inatake umano sa puso habang minamaneho ang sasakyang pag aari rin ng city hall.

Sinugod pa sa ospital si Verona ngunit idineklara ring dead on arrival.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?