76
Mag-iina tinadtad ng saksak, pati alagang aso idinamay sa Bulacan
By

Drayber binurdahan ng lasing na kapitbahay

Patay ang isang driver matapos tadtarin ng saksak ng kanyang kapitbahay na kapwa driver sa Tanauan City, Batangas, Sabado ng hapon.

Ayon kay Police Corporal Christian Mamalayan, imbestigador ng Tanauan City police, nakaupo at nagpapahinga sa labas ng kanyang bahay sa Barangay Darasa ang biktimang si Robert Sebastian, 37, nang bigla na lamang itong sugurin ng lasing na suspek na si Joy Albaytar.

Nagtamo ito ng mga tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan at namatay habang nilalapatan ng lunas sa Daniel Mercado Hospital.

Matapos ang pananaksak, nagtangka namang magpakamatay ang suspek sa pamamagitan ng paglaslas sa kanang pulso.

Agad namang itong naisugod sa Cabrini Hospital at ligtas na ang kalagayan.

Ayon sa pulisya, matagal na umanong may matinding alitan ang magkapitbahay at posible umanong hindi nakapagpigil ang suspek matapos malasing sa alak.

Isinailalim na ito sa pag-aresto habang nagpapagaling pa sa ospital at sasampahan na rin ng kasong murder.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?