57
Drake nakipag-asaran kina Green, Curry
By

Drake nakipag-asaran kina Green, Curry

Bukod sa mga manlalaro, naging sentro ng atensyon si Toronto Raptors fan at rapper Drake dahil sa mga off-court antic nito para magulo ang Golden State Warriors.

Una ay nagsuot ng Dell Curry Toronto jersey si Drake para magpapansin kay GSW star Stephen Curry.

Sunod ay tinawag nitong “trash” o basura si Draymond Green matapos ang panalo ng Toronto, 118-109.

“It wasn’t really a scuffle because I didn’t hit him and he didn’t hit me, and I didn’t push him and he didn’t push me,” paliwanag ni Green. “We talked. We barked a little bit, but I wouldn’t necessarily consider that a scuffle, not really what I personally would consider a scuffle.”

Sunod pa ay tila may tinanggal ito sa ulo ni Curry noong magkasagutan ang dalawa.

Matatandaan na binalaan na ng NBA si Drake matapos nitong magmasahe kay Toronto tactician Nick Nurse dahil bawal ito sa bench ng koponan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?