110

By

Draft pick ng Phoenix, ipamimigay sa NLEX

Sharing is caring!

Aakyat sa PBA Draft board ang NLEX Road Warriors kung maaprubahan ang proposed trade para sa lottery pick ng Phoenix Fuel Masters.

Ipapalit ng NLEX ang kanilang dalawang beterano na sina Alex Mallari at Dave Marcelo para sa 4th overall pick ng Fuel Masters.

Nasa PBA Commissioner’s Office na ang mga papeles para sa trade at hihintayin na lang ang approval nito.

Ito ay nangyari tatlong araw bago ang draft night na mangyayari sa Linggo, Disyembre 16.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?