79

Jul 11, 2018 @ 13:51
By

Draft federal charter, isinumite ng Con-Com sa Kamara

Nagbigay ng kopya ng draft federal charter ang Consultative Committee (Con-Com) sa Kamara.

Personal na tinanggap nina Speaker Pantaleon Alvarez at House Majority Leader Rodolfo Fariñas ang panukalang amyenda sa Charter change (Cha-cha) mula kay Con-Com Chairman at dating Chief Justice Reynato Puno.

Ayon kay Alvarez, wala pa silang masabing timetable sa Cha-cha dahil pag-aaralan muna nila ang nilalaman ng draft.

Sinabi naman ni Fariñas na hihintayin nila ang official transmittal ng dokumento mula sa tanggapan ng Pangulo bago nila ito masimulang aksyunan.

Nilinaw rin nito na “recommendatory” lamang ang Con-Com dahil tanging ang Kongreso ang may kapangyarihan na magpanukala ng pag-amyenda sa Konstitusyon.

“The commission is a creation by the President, so ‘yung output nila endorse nila sa Presidente in toto. Coming from the President, it carries weight but Congress is mot bound… pag-aaralan din ng Congress,” paliwanag ni Fariñas. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?