By

Draft committee report sa Dengvaxia, walang basehan – Alejano

Sharing is caring!

Hindi umano binigyang bigat sa draft commitee report ng Senate Blue Ribbon Committee ang facts and findings ng mga medical expert na dapat naging basehan ng mga rekumendasyon ng komite.

Ayon kay Magdalo partylist Rep. Gary Alejano, sa mga naging imbestigasyon ng Kongreso, walang nagsabi, kahit ang PAO na siyang nagsampa ng kaso, na may direktang kaugnayan ang Dengvaxia sa pagkasawi ng mga nabakunahan.

Sabi ni Alejano, hindi dapat ginagatasan ang isyu para sa pulitika at mga personal na galit.

Katuwiran nito, dahil sa mga pansariling intensyon ng iilan para pulitikahin ang isyu ay inilalagay nila ang publiko sa panganib.

“Due to baseless fear, the public lost trust on the vaccination program of the government. Tumataas ngayon ang mga kaso ng mga sakit na naiwasan sana gamit ang pagbabakuna,” ani Alejano.

Nanawagan ang kongresista sa gobyerno na ibigay ang tamang impormasyon sa mga tao para mawala ang takot ng publiko.

“Unless this is effectively addressed, more children could be put in danger,” dagdag ng mambabatas.)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?