7,311

Jan 8, 2022 @ 9:51
By

Dra. Vicki Belo kinaaliwan sa pagiging inosente sa katol

Naghatid ng good vibes sa mga netizen si Dra. Vicki Belo dahil sa hindi nito alam kung paano gumamit ng katol.

Sa vlog ni Vice, ni-raid niya ang bahay ng sikat na celebrity dermatologist.

Habang nasa bedroom sila ay nakakita si Vice ng katol sa kuwarto kaya tinanong niya si Dra. Belo kung marunong ba itong sindihan ito.

Naaliw ang mga netizen dahil hindi rin marunong ang doktora kung paano paghihiwalayin ang mga katol at inosenteng-inosente habang pinag-aaralan ito.

“Sa mga pangkaraniwang bahay dito sa Pilipinas lumalaki kami na may katol para hindi kami nilalamok,” sey ni Vice kay Dra. Belo.

“Eh kasi kami mayroon kaming UV light ‘di ba?” sagot ni Dra. Belo kay Vice.

Kabilang din sa kinaaliwan ni Vice ang maruming electric fan at brief sa bahay ng celebrity dermatologist.

Hanga naman ang mga netizen sa pagiging simple ng buhay nina Dra. Belo at Hayden Kho.

“Regardless of their status in life, Vice and Dra Vicky still offered us how to be humble, generious and to be radiant in all aspects of life. Katol, dirty electric fan, brief, plenty of shoes and bags, lubricant—- laugh trip! Thank you Vice and Dra Belo for making us laugh and be happy! Love you both,” comment ni Klare Balason.

“Omg didn’t expect this collab ms. belo is funny and kwela pala their friendship is everything, the collab was too short wanted more 17 minutes wasn’t enough we loveee uuu doctora and meme,” sey ni brian matildo.

“Tawang tawa ako HAHAHA. Thanks for entertaining us. Highlights: 1. Maduming electricfan 2. Maduming brief 3. Paghiwalay ng katol 4. Paggawa ng stand pra sa katol LT,” sambit naman ni Hannah Bautista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?