165

Oct 6, 2017 @ 9:21

DPWH, P600B ang ‘underspending’ – Lacson

Mahigit sa P596 billion na underspending sa budget noong 2016 sa pagtalakay ng mga senador sa panukalang P3.767 trillion 2018 national budget.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, itinuturing niyang krimen ang underspending kaya’t nais nitong malaman ang mga hakbangin ng Department of Budget and Management (DBM) hinggil dito.

“Crime ang tingin ko dito, kasi we’re passing a law, the General Approproations Act, and they’re not complying with the law so medyo krimen ang dating nito,” saad ni Lacson.

Sa talaan ni Lacson, ang Department of Public Works and Highway (DPWH) ang may pinakamalaking hindi nagamit na pondo.
“I’m sorry, nandito yung nanay pero number one yung Department of Public Works and Highways. May mga reason naman siguro,” saad ni Lacson.

Iginiit naman ni Senador Cynthia Villar na ang pondo ng DPWH ay ipinasa ng nakalipas pang adminnistrasyonat ang kanyang anak na si Secretary Mark Villar ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kalagitnaan na ng 2016.

“The budget was passed by the previous administration and the DPWH took over almost half year after, almost middle of last year and besides, I think there is something wrong with how they make the DPWH budget,” saad ni Senador Villar.

Iginiit pa ng senador na palagi niyang binabanggit sa DPWH na dapat sa pagagwa ng budget ay dapat unahin ang pondo para sa right-of-way at sa susunod na taon ay para naman sa construction upang bumaba ang underspending.
Kinatigan naman ni Lacson ang pahayag ni Villar.(Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?