97

Nov 16, 2018 @ 13:55
By

DPWH may road reblocking at repair muli ngayong weekend

Nag-abiso ang Department of Public Works and Highways ukol sa mga lansangan sa Metro Manila na isasailalim sa reblocking at repairs ngayong pagsasara ng sanlinggo.

Magsisimula ang pagkukumpuni alas-11:00 ng gabi ng Biyernes, Nobyembre 16 hanggang Nobyembre 19 sa sumusunod:

SOUTHBOUND:

– C-5 Road near SM Aura (2nd outermost lane)
– EDSA Scout Borromeo malapit sa GMA 7 (2nd lane mula MRT lane) at Scout Albano – Panorama Dev. Cor. Building (sa gilid ng sidewalk)
– EDSA before Olivero footbridge (1st lane mula sidewalk)

NORTHBOUND:

– Tandang Sora Avenue sa harap ng Petron gas station
– Batasan Road malapit sa DSWD Central Office (4th lane mula sa gitna)
– Mindanao Avenue matapos ang Road 20 (truck lane) at sa harap ng Petron Gas Station (truck lane)

Magsasagawa rin ng restoration/concreting works sa mga sumusunod na kalsada:

– Quirino Highway (SB) mula Villa Sabina hanggang Belton Drive (1st lane mula sa sidewalk)
– Visayas Avenue (SB) Visayas Ave. Riad 1 intersection (Unang bahagi ng 2nd lane mula sa sidewalk)
– Commonwealth Avenue (Villa Beatriz)

Isasagawa ang pagkukumpuni sa mga araw ng Sabado at Linggo diretso hanggang sa Lunes ng alas-singko ng madaling-araw.

Inaabisuhan ang mga motorista na iwasan ang mga nabanggit na apektadong lansangan at humanap ng alternatibong ruta.

Samantala, magsasagawa rin ng restoration activity ang Manila Water Co. Inc. sa EDSA (southbound) malapit sa kanto ng Lion’s Street sa Barangay Barangka Ilaya, Mandaluyong City umpisa mamayang alas-10:00 ng gabi ng Biyernes, Nobyembre 16, hanggang alas-singko ng madaling-araw ng Sabado, Nobyembre 17.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?