136

Oct 9, 2017 @ 15:56

DPWH may bagong sistema sa pagtukoy ng ghost project

Sa hangad na masawata ang problema ng mga ghost project, gagamit na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng geo-tagging bilang bagong monitoring system sa mga proyekto ng kagawaran.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, ito ay bilang pagtalima sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na paigtingin ang transparency at alisin ang katiwalian sa gobyerno.

Posible umano na matapos na ang transition ngayong taong ito para mabigyang daan ang pagpapatupad ng geo-tagging feature.

Sa ilalim  ito, kaya na umanong tukuyin “in real time” kung may ghost project.

“We have rolled out the use of the Project and Contract Management Procedures and Application (PCMA) and we expect transition to finish within the year .The new feature would enable the adding of geographic identification data to photos, videos, and other posts which allows other content from the same geographic location to be found,” paliwanag ni Villar.

Magagamit din ang bagong sistema bilang instrumento sa pag-iinspeksyon at para mailahad ang naabot nang mga accomplishment ng mga proyekto ng DPWH “in real-time.”

“The right to information does not end in the provision of data. There is a need to ensure that the public has access to quality information,” dagdag ni Villar.

Paliwanag pa ng kalihim, sa pamamagitan ng geo-tagging, malalaman ang eksaktong sukat ng mga project accomplishment at matutukoy din kung may mga nadobleng imprastraktura o kung nagkaroon ng infrastructure overlap. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?