25

Oct 13, 2021 @ 16:42
By

DPWH may bagong kalihim

Pormal nang nanumpa bilang bagong kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) si Southern Leyte Rep. Roger Mercado ngayong Miyerkoles.

Nanumpa si Mercado sa harap ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Papalitan niya si Mark Villar, na tatakbong senador sa 2022.

Bilang mambabatas sa 18th Congress, si Mercado ay ang vice-chairperson ng House Committee on Public Works and Highways.

Si Mercado ay beteranong kongresista na naging parte ng 8th, 9th, 10th, 13th, 14th, 15th at 17th Congress.

Samantala, wala pang opisyal na pahayag ang DPWH sa pagkakatalaga kay Mercado at ang mismong Facebook page lamang ng bagong kalihim ang nagpakita kanyang panunumpa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?