228

By

DPWH may anomalya sa pagbabayad ng right-of-way – Lacson

Sharing is caring!

Isiniwalat ni Senador Panfilo Lacson ang plano ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na magbayad sa mga hindi nakikilang claimant ng right-of-way (ROW) para sa mga infrastructure project ng gobyerno.

Sa panayam ng DZBB, sinabi ni Lacson na sa panukalang badyet ng DPWH para sa Fiscal Year 2018, may mga nakalista na “John Doe” at “Unknown” na claimants na babayaran para sa ROW.

Idiniin ng senador na hindi ito maari dahil iisyuhan iyon ng tseke ng gobyerno.

“Sa list ng claimants, merong unknown, John Doe. Papaano babayaran ng gobyerno si John Doe, papaano babayaran ng gobyerno si Unknown?” tanong ni Lacson.

“Nakalagay doon na may budget tayo sa claimant na yan, mayroong item, pero Unknown o kung di Unknown, John Doe. Kukuwestyunin ko talaga yan,” dagdag nito.

Ayon kay Lacson, sa panukalang pambansang budget, may pork barrel ang ilang konggresista na isiniksik sa ibat ibang ahensya sa pangunguna ng dpwh.

Tiniyak na hahalukayin ang mga ito para mailipat sa mas dapat na patunguhan ng pondo.

Ginunita ni Lacson na noong nakaraang taon, pinalagan niya ang P8.3 bilyon na pork barrel ng mga konggresista para sa Autonomous Region Muslim Mindanao (ARMM).

Sa kaniyang pag-iingay ukol dito, na sinuportahan ng ilang kapwa senador, napunta ang nasabing halaga sa state universities and colleges kaya naging libre ang tuition sa mga ito pagpasok ng taong 2017. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?