2

By

DPWH magkukumpuni ng mga lansangan sa EDSA, Metro Manila

Sharing is caring!

Nag-abiso na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga motorista na humanap ng alternatibong ruta dahil magsasagawa sila ng reblocking at repairs sa EDSA at ilang kalsada sa Metro Manila mula ngayong Biyernes hanggang Lunes.

Ayon sa DPWH, magsisimula ang pagkukumpuni ng alas-11:00 ngayong gabi (Hulyo 13) hanggang Lunes ng umaga (Hulyo 16) sa sumusunod na lugar:

EDSA southbound:

· Mula Arayat St., patungong Ignacio Diaz

· Mula Timog Avenue hanggang Kamuning Road

· Sa harap ng Francesca Tower hanggang Scout Borromeo St.

EDSA northbound:

· Sa Vertis North hanggang Trinoma Mall

Ilan pang kalsada sa Metro Manila:

· Batasan Road, Commonwealth Avenue hanggang Kalinisan St.

· A.H Lacson Avenue malapit sa Aragon St.

· Congressional Avenue bago mag-cor. Jupiter St.

· Fairview Avenue mula Mindanao Avenue Extension hanggang Jordan Plains Subd., at Jordan Plains Subd., hanggang Mindanao Avenue Extension.

Muling madadaanan ang naturang mga kalsada ng alas-singko ng madaling-araw sa Hulyo 16.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?