72

Oct 10, 2017 @ 16:30

DPWH gagamit ng drone, satellite vs ghost project

Gagamit na ng drone at satellite technology ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para masugpo ang mga ghost project sa ilalim ng ahensiya.

Ito ay sa ilalim ng Project and Contract Management Procedure and Application (PCMA) na gagamitan ng built-in geotagging feature.

“All our regional and district offices are now transitioning to a new monitoring system – the Project and Contract Management Procedures and Application (PCMA), which would have a built-in geotagging feature. When we finish the transition this year, we expect to detect any ghost project real time,” paliwanag ni DPWH Secretary Mark Villar.

Dagdag pa ng kalihim, inaatasan na nila ang kanilang mga district office na gumamit ng kaparehong teknolohiya.

Inaasahan aniyang sa pagtatapos ng taong ito ay maipatutupad na nang buo ang PCMA.

Sa ilalim ng teknolohiya, bago makasingil ang isang kontratista, kinakailangan muna silang magsumite ng geo-tagged photos at ng geographic-based status report kaya magagawang masugpo ang mga anomalya. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?