11
Abu Sayyaf
By

DPWH engineer na dinukot ng ASG, pinalaya na

Sharing is caring!

Nakalaya na ang isa sa mga bihag ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Sulu.

Kinilala itong si Engineer Enrico Nee, enhinyero ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay Joint Task Force Sulu Commander Brigadier General Cirilito Sobejana, alas-otso ng umaga kanina nang palayain ang kidnap victim sa Brgy. Latih, Patikul, Sulu.

Si Nee ay dinukot noong Pebrero 14, 2018 ng ASG sa Kasalamatan Village, Brgy. San Raymundo, Jolo, Sulu habang patungo sa kanyang trabaho sa DPWH District 1 Office.

Sinabi ni Sobejana na batay sa kuwento ni Nee, nahihirapan na ang ASG sa kanilang galaw dahil sa kanyang health condition kaya napilitan na siyang palayain.

Sa ngayon nasa Joint Task Force Sulu headquarters na sa Kuta Heneral Teodolfo Bautista Busbus sa Jolo ang kidnap victim para sa medical exam at debriefing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?