170

Jun 5, 2019 @ 10:41

Dozier out, Howell in sa Phoenix

Nagpalit na rin ng import ang Phoenix Pulse sa kasalukuyang kampanya sa 44th Philippine Basketball Association 2019 Commissioner’s Cup eliminations.

Paparito na ang nakadalawang taon dati sa TNT KaTropa bilang reinfocement na si Richard Howell para relyebuhan sa Fuel Masters si former Best Import Robert Dozier na nagka-plantar fasciitis sa unang laro nitong Biyernes kontra Blackwater kung saan wagi ang team, 103-98, sa Mall of Asia Arena sa Pasay.

Pero ‘di na naging gaanong kaepektibo ang minsang sumalang sa Alaska na si Dozier nitong Linggo laban naman sa Texters sa Ynares Center sa Antipolo kaya nalasap ng Phoenix ang 98-114 demolisyon.

Unang mga nagpauwi foreign player sa midseason conference ang Columbian na kinuha si Lester Prosper tapos ang 1-3 win-loss record lang kay Kyle Barone, at ang NLEX na tinapik si balik-import Tony Mitchell para sa naka-1 game lang na si Curtis Washington.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?