507

Oct 25, 2017 @ 11:45

Doug Kramer todo-depensa kay Cheska vs. haters

By GLENN REGONDOLA

Noong isang araw ay umani ng mga patutsada, panlalait at mga negang komento si Cheska Garcia-Kramer dahil sa post nito tungkol sa papel ng isang asawang lalaki at asawang babae sa kanilang marriage in a Christian way.

May quote pa siya galing sa Bible tungkol sa slavery na talaga namang mas lalong nagbigay-daan sa maraming hindi magagandang komento tungkol sa pananaw na ito.

Kilala ang pamilyang Kramer bilang Team Kramer na naging instant hit at viral ang posts nila tungkol sa daily activities ng kanilang family life. Dahil nga rito, libu-libo ang sumusubaybay sa kanila at nakakuha sila ng maraming endorsements.

Pero ‘yun nga, dahil sa ‘controversial post’ na iyon ni Cheska, parang biglang umikot ang mundo para sa pamilya Kramer.

‘Yun nga lang, naging maagap si Dough sa pagtatanggol sa kanyang asawa. Dito niya ipinaliwanag ang hierarchy ng kanilang papel bilang mag-asawa.

Ayon nga sa kanya, hindi perpekto ang kanilang buhay mag-asawa pero katulad sa iba, sinisikap nilang ayusin lagi ito ayon sa Christian principles.

Pantay ang turingan nila sa isa’t isa, pero may certain roles nga silang dapat gampanan. HIndi naman niya isinasantabi ang modernong pag-iisip ng karamihan ngayon tungkol sa pagbuo ng isang pamilya. Maging ang single parents na lumalaban para itaguyod ang kanilang mga anak.

Sana nga raw ay maunawaan na lang si Cheska ng iba dahil ang post naman nito ay mula sa Bible at walang intensiyon na ilagay ang mga ina sa mas mababang antas kaysa sa mga asawang lalaki.

‘Yun na!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?