393
Double pay ipatutupad sa mga holiday sa buwan ng Hunyo - Dole
Jun 2, 2019 @ 12:55
By

Double pay ipatutupad sa mga holiday sa buwan ng Hunyo – Dole

Makatatanggap ng double pay ang mga manggagawa na papasok sa kanilang mga trabaho sa mga holiday ngayong buwan ng Hunyo, saad ng Department of Labor and Employment nitong Linggo (Hunyo 2).

Ngayong Hunyo, idineklara ang June 5 at June 12 na regular holidays bilang pagdiriwang ng Eid’l Fitr at Philippine Independence Day, pahayag ng labor department.

Ayon sa Dole, ang mga magtratrabaho sa naturang mga araw ay makatatanggap ng 200% ng kanilang arawang sweldo para sa unang walong oras ng kanilang trabaho.

Habang ang mga mag-oovertime naman ay babayaran ng karagdagang 30% ng kanilang hourly rate.

Kung ang holiday ay pumatak sa rest day ng empleyado at pumasok ito sa trabaho ay kailangan siyang bayaran ng karagdagang 30% ng basic wage ng 200%.

Ipinaalala ng Dole sa mga employer na kung hindi pumasok sa araw ng holiday ang isang empleyado ay makatatanggap pa rin ito ng 100% ng kaniyang sweldo para sa araw na iyon.

“President Rodrigo Duterte issued Proclamation No. 729, series of 2019 declaring the Feast of Ramadhan or Eid’l Fitr on June 5 as a regular holiday throughout the country while Proclamation No. 555, series of 2018 declared June 12, 2019, as a regular holiday in the observance of the Philippine Independence Day,” saad ng Dole.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?